Mga Post

Panahon

     Gaano ba kahirap humanap ng mamahalin? Yung pangmatagalan at gusto ka na makasama sa araw-araw. Hindi naman dapat ganoon kahirap. May dumarating... sa una masaya, yung kinikilig ka pa hanggang sa pag-uwi mo.      Ang totoong mahirap ay yung paano mo mapapanatiling buhay ang pagmamahalan ninyo.     Maraming klase ng pag-ibig na rin ang napagdaanan ko (Hindi naman ganun kadami hahaha tamang dami lang). May relationship na parang trip lang, nagkasubuan lang sa buyo ng barkada. Mayroon din namang nabuo sa dahilang lagi kayong magksama. Mayroon ding physical attraction lang kasi sobrang cute nya pero hindi ko naman talaga sya ganun ka kilala. panghuli, relasyong nanghihinayang ka na lang na maghiwalay kayo kasi sobrang tagal nyo na.     Tama bang manatili pa rin sa ganitong relasyon? Parang walang patutunguhan... steady lang kayong ganito... ganun. Hindi na nag-grow ang love namin ( O, ako lang ba nag-iisip ng ganun? ). Ngunit sa isang r...

Stuck

Imahe
  Why am I still here? I could have left 15 years ago, 10 years ago, or 5 years ago. My heart cannot feel anymore. I am still here, where I left myself 25 years ago.  I can no longer move. I am too coward and out of options. There is no one else to blame but myself. I thought he was the one. I guess... I am not the one. I am not the girl. I am here again breaking. Alone. I wanted to cry. I wanted to shout. I am all dried up. I can no longer see myself being happy.  I lost that one chance. I am too old for that kind of game. I was too arrogant.  I do not know where I am going. I am lost in this life. The pavement that I was walking on was long gone before I knew it.

Heto na naman

Imahe
    Heto  na naman ako...     Matatapos na naman ang taon na walang nangyari. Isang gabi, tinignan ko kung anong oras na ba... 9:30 ng gabi na pala... Napakabilis ng oras, parang wala pa akong nagagawa nung araw na iyon heto at gabi na. Nalungkot na naman ako.      Dumaan pa ang ilan pang mga araw... Natapos na ang Pasko... Ilang araw na lamang at Bagong Taon na. Heto at walang ganap pa rin sa buhay ko. Matagal na akong sumuko sa paghihintay, pero kung bakit ba naman sa tuwing malapit na ang bagong taon eh nag-sesenti ako.... Ayoko ng umasa. Gusto kong mawala na sa akin ang ganitong pakiramdaman. Gusto ko nang maging malaya. Malayang mag-isa at wala ng inaasahan.     Paano ba?     Hanggang kailan ba?     Heto na naman ako...     Malungkot.     

Alaala ng Kahapon

Imahe
Galing ako sa burol ng kasamahan namin sa Lecom Ministry. Espesyal sa akin si ate. Mabait sya. Napakalambing. Noong panahon na wala pang outbreak ng Corona Virus, sa tuwing magkikita kami sa Parokya hindi maaaring hindi ko sya yayakapin at kiss sa pisngi. Laging may ngiti sa kanyang mga labi sa tuwing makakasalubong mo sya kahit saang lugar. Habang homily ng aming Kura sa kanyang burol, napatitig ako sa kanyang larawan. Labis ang kirot sa aking puso. Naalala ko noong huli ko syang makita ay pina-bless namin ang urn ng kanyang anak, 2 buwan at kalahati bago ang araw na ito. Payat si ate nung panahon na iyon. Malungkot ang kanyang mga mata. Hindi ako sanay na makita sya ng ganoon. Kahit pandemic noon niyakap ko sya. Bago kami magpaalamanan ay binulungan ko sya ng "palakas ka ate, i love you", kahit sa messenger namin ay sinasabihan ko sya nito. Habang ako ay nakatitig sa kanyang larawan, ang tanging naiisip ko lamang ay yung mga moments na magksama kami mag-serve tuwing Miyerku...

Paminsang minsanang alaala

Naghahanap ako ng marker.... ang ganda kasi nung quote for todays daily bread. Pagbukas ko ng drawer may lalagyan ng alahas sa tabi. Di ko maalala laman nito kaya binuksan ko... lumang kwintas na di naman tunay... isang plastic na may pendant sa loob at papel na tiniklop ng maliit. Isa syang piraso ng stick note, maliit lang... isa itong note sa iniwan mo sken para pag uwi ko makita ko sa tapat ng tv natin. Naisip na naman kita... mga alaalang nagmamahalan pa tayo. Bakit ganon? Sa tuwing maaalala kita yung magagandang alaala na unang kong makikita... nandung naalala ko na naman kung gaano kita kamahal. Bibihira ung mauunang magalit ako. Mahirap lumimot. Alam ko yun dahil after 17 years naalala ko pa rin ang bawat yakap mo, ang ngiti mo, ang kislap ng mga mata mo, kahit ang pabango mo naiiwan sa alaala ko. Posible pala yun... hindi ko man naaamoy pero alam ng alaala ko ang amoy na yun. Gaano ba kahirap lumimot? Mahirap. Alam ko yun dahil hindi ka nawawala sa puso ko. Gusto ko naman ...

my first love

Imahe
Meet Tamahome. A character from Fushigi Yuugi (Mysterious Game) One of the Celestial warriors of Suzaku. The seishi symbol that appears in his forehead means ogre or ghost. Many funny moments whenever he was with Tasuki (my 2nd love! ha-ha). I fell in love with him for how he takes care of Miaka and acts foolish and funny at the same time.

Why ueie?

Imahe
How did I came up with "ueie"? She is Princess Yue, a character from AVATAR: The last airbender. Daughter of Chief Arnook from the Northern Water Tribe. When she was little she was always sick, her father ask the moon spirit to heal her. Tragedy came as when the moon spirit was killed by Admiral Zhao. The Princess gave up her mortal life and becomes the moon spirit. I fascinate the moon, i took her name, i take away the "Y" and suffix "ie". Sounds and pronounce the same though spells different just for a little tongue twister look... ^-^