Panahon

    Gaano ba kahirap humanap ng mamahalin? Yung pangmatagalan at gusto ka na makasama sa araw-araw. Hindi naman dapat ganoon kahirap. May dumarating... sa una masaya, yung kinikilig ka pa hanggang sa pag-uwi mo. 

    Ang totoong mahirap ay yung paano mo mapapanatiling buhay ang pagmamahalan ninyo.

    Maraming klase ng pag-ibig na rin ang napagdaanan ko (Hindi naman ganun kadami hahaha tamang dami lang). May relationship na parang trip lang, nagkasubuan lang sa buyo ng barkada. Mayroon din namang nabuo sa dahilang lagi kayong magksama. Mayroon ding physical attraction lang kasi sobrang cute nya pero hindi ko naman talaga sya ganun ka kilala. panghuli, relasyong nanghihinayang ka na lang na maghiwalay kayo kasi sobrang tagal nyo na.

    Tama bang manatili pa rin sa ganitong relasyon? Parang walang patutunguhan... steady lang kayong ganito... ganun. Hindi na nag-grow ang love namin ( O, ako lang ba nag-iisip ng ganun? ). Ngunit sa isang relasyon kailangan may patutunguhan kayo. Sabay dapat kayong mangarap, mag plano... ngunit paano kung sa simula pa lamang ay nilagyan na nya ng time frame. Time frame kung kailan uusad ang relasyon nyo dahil may mga bagay pa syang dapat unahin.

    Heto at tininanggap ko naman si time frame. Sadly, lumagpas na kami sa time frame na yun ngunit heto at steady pa rin. Hindi pa rin umuusad ang mala-pagong naming relasyon dahil inuuna pa rin nya ang kanyang magulang at mga kapatid. Paano naman ito?

    Paano naman ako?

    Paano naman ang mga oras na ginugol ko sa relasyong ito ngunit mukhang wala naman pa lang patutunguhan?

    Madaling sabihing na "umalis ka na sa relasyon na yan" Pero hindi ganun yun. 

    Mahabang panahon na inialay mo... panghihinayang na lang ba ang natitira sa akin? 

    Gusto ko na rin lumaya. 

    Sana dumating na ang panahong iyon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bangkang Papel sa Dagat na Apoy

Why ueie?

Stuck