Alaala ng Kahapon



Galing ako sa burol ng kasamahan namin sa Lecom Ministry. Espesyal sa akin si ate. Mabait sya. Napakalambing. Noong panahon na wala pang outbreak ng Corona Virus, sa tuwing magkikita kami sa Parokya hindi maaaring hindi ko sya yayakapin at kiss sa pisngi. Laging may ngiti sa kanyang mga labi sa tuwing makakasalubong mo sya kahit saang lugar.

Habang homily ng aming Kura sa kanyang burol, napatitig ako sa kanyang larawan. Labis ang kirot sa aking puso. Naalala ko noong huli ko syang makita ay pina-bless namin ang urn ng kanyang anak, 2 buwan at kalahati bago ang araw na ito. Payat si ate nung panahon na iyon. Malungkot ang kanyang mga mata. Hindi ako sanay na makita sya ng ganoon. Kahit pandemic noon niyakap ko sya. Bago kami magpaalamanan ay binulungan ko sya ng "palakas ka ate, i love you", kahit sa messenger namin ay sinasabihan ko sya nito.

Habang ako ay nakatitig sa kanyang larawan, ang tanging naiisip ko lamang ay yung mga moments na magksama kami mag-serve tuwing Miyerkules, naalala ko na kabisado nya ang Novena ng Ina ng Laging Saklolo. Ang ngiti nya habang nagsasabi sya ng "peace be with you". Kasabay nun naisip ko..... "ilan taon na nga ba ako?, ilan taon na nga ba si ate ngayon?. ilang taon pa ba bago ako umabot sa edad nya sa ngayon?. Sapat na ba ang mga experiences ko to face death at the right time?". Sa pagkakataong ito, naisip kong maging masaya. Makasama ang mga taong mahal ko at pinahahalagahan ako. No to stress! Maging tunay na masaya sa piling ng mga tunay na nagmamahal sa iyo. 

Maaga pa.... may oras pa... may panahon pa.

Today is a new day. I will turn my back to those people who knows nothing but to make you feel unhappy and unwanted. Focus. Live well. Be happy.






     

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bangkang Papel sa Dagat na Apoy

Why ueie?

Stuck