Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2020

Heto na naman

Imahe
    Heto  na naman ako...     Matatapos na naman ang taon na walang nangyari. Isang gabi, tinignan ko kung anong oras na ba... 9:30 ng gabi na pala... Napakabilis ng oras, parang wala pa akong nagagawa nung araw na iyon heto at gabi na. Nalungkot na naman ako.      Dumaan pa ang ilan pang mga araw... Natapos na ang Pasko... Ilang araw na lamang at Bagong Taon na. Heto at walang ganap pa rin sa buhay ko. Matagal na akong sumuko sa paghihintay, pero kung bakit ba naman sa tuwing malapit na ang bagong taon eh nag-sesenti ako.... Ayoko ng umasa. Gusto kong mawala na sa akin ang ganitong pakiramdaman. Gusto ko nang maging malaya. Malayang mag-isa at wala ng inaasahan.     Paano ba?     Hanggang kailan ba?     Heto na naman ako...     Malungkot.     

Alaala ng Kahapon

Imahe
Galing ako sa burol ng kasamahan namin sa Lecom Ministry. Espesyal sa akin si ate. Mabait sya. Napakalambing. Noong panahon na wala pang outbreak ng Corona Virus, sa tuwing magkikita kami sa Parokya hindi maaaring hindi ko sya yayakapin at kiss sa pisngi. Laging may ngiti sa kanyang mga labi sa tuwing makakasalubong mo sya kahit saang lugar. Habang homily ng aming Kura sa kanyang burol, napatitig ako sa kanyang larawan. Labis ang kirot sa aking puso. Naalala ko noong huli ko syang makita ay pina-bless namin ang urn ng kanyang anak, 2 buwan at kalahati bago ang araw na ito. Payat si ate nung panahon na iyon. Malungkot ang kanyang mga mata. Hindi ako sanay na makita sya ng ganoon. Kahit pandemic noon niyakap ko sya. Bago kami magpaalamanan ay binulungan ko sya ng "palakas ka ate, i love you", kahit sa messenger namin ay sinasabihan ko sya nito. Habang ako ay nakatitig sa kanyang larawan, ang tanging naiisip ko lamang ay yung mga moments na magksama kami mag-serve tuwing Miyerku