Paminsang minsanang alaala

Naghahanap ako ng marker.... ang ganda kasi nung quote for todays daily bread. Pagbukas ko ng drawer may lalagyan ng alahas sa tabi. Di ko maalala laman nito kaya binuksan ko... lumang kwintas na di naman tunay... isang plastic na may pendant sa loob at papel na tiniklop ng maliit.
Isa syang piraso ng stick note, maliit lang... isa itong note sa iniwan mo sken para pag uwi ko makita ko sa tapat ng tv natin. Naisip na naman kita... mga alaalang nagmamahalan pa tayo. Bakit ganon? Sa tuwing maaalala kita yung magagandang alaala na unang kong makikita... nandung naalala ko na naman kung gaano kita kamahal. Bibihira ung mauunang magalit ako.
Mahirap lumimot. Alam ko yun dahil after 17 years naalala ko pa rin ang bawat yakap mo, ang ngiti mo, ang kislap ng mga mata mo, kahit ang pabango mo naiiwan sa alaala ko. Posible pala yun... hindi ko man naaamoy pero alam ng alaala ko ang amoy na yun.
Gaano ba kahirap lumimot? Mahirap. Alam ko yun dahil hindi ka nawawala sa puso ko.
Gusto ko naman lumimot, pero may mga paminsang minsanang alala pa rin.
Marahil pag parte ka na ng puso ng isang tao di na mawawala yun.
Ikaw kaya? Ikaw ba? Naaalala mo rin ba paminsan minsan?
Malamang hindi.....

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Bangkang Papel sa Dagat na Apoy

Heto na naman