Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2020

Alaala ng Kahapon

Imahe
Galing ako sa burol ng kasamahan namin sa Lecom Ministry. Espesyal sa akin si ate. Mabait sya. Napakalambing. Noong panahon na wala pang outbreak ng Corona Virus, sa tuwing magkikita kami sa Parokya hindi maaaring hindi ko sya yayakapin at kiss sa pisngi. Laging may ngiti sa kanyang mga labi sa tuwing makakasalubong mo sya kahit saang lugar. Habang homily ng aming Kura sa kanyang burol, napatitig ako sa kanyang larawan. Labis ang kirot sa aking puso. Naalala ko noong huli ko syang makita ay pina-bless namin ang urn ng kanyang anak, 2 buwan at kalahati bago ang araw na ito. Payat si ate nung panahon na iyon. Malungkot ang kanyang mga mata. Hindi ako sanay na makita sya ng ganoon. Kahit pandemic noon niyakap ko sya. Bago kami magpaalamanan ay binulungan ko sya ng "palakas ka ate, i love you", kahit sa messenger namin ay sinasabihan ko sya nito. Habang ako ay nakatitig sa kanyang larawan, ang tanging naiisip ko lamang ay yung mga moments na magksama kami mag-serve tuwing Miyerku...